Magandang gabi, nasa mood akong pumindot sa keyboard.
Tatlong buwan na din akong nag aaral sa eskwelahang iyon, pero pakiramdam ko wala pa 'ring progreso sa mga kaalamang alam ko na at mga kaalamang kailangan ko pang malaman. Siguro dahil unang sem pa lang naman(parang gusto ko na ngang lumipat ng ekswelahan sa pangalawang sem). Nakakapanibago ang kapaligiran at mga tao. Simula sa propesor at estudyante ibang iba sa kinasanayan ko. Hindi na nakakapagtaka at tahimik ako sa class room, nag mamatyag sa kilos ng lahat kaya madami akong obserbasyon.
May lima akong guro dahil syempre lima ang subjects ko. May guro akong "techie" dalawa ang cellphone, dalawa ang dalang charger at pagpapasok sya sa class room namin ganto ang linya nya.
"ok ito ang timer natin." (sabay salpak ng dalawang charger sa dadalawa naming saksakan)
Sabagay, tumitingin naman sya sa dalawang cellphone nya. Tinitignan daw nya kung time na. Nice nagpapaliwanag. May mga paliwanag din syang hindi ko mapaliwanag. Ito..
"Serve as blueprint of socialy accepted behavior so people can discern the best ways of acting and thingking."
Paliwanag nya:
*seryoso mukha*
"diba pag nag papaprint kayo kulay black, Ito yung pag nag paprint kayo kulay blue."
no comment.
Meron akong isang daan at animnapung kaklase, ang dami? kada subject kasi iba iba section ko. Ang dami kong nakakasalamuha araw araw, iba iba ang ugali iba iba ang itsura. May kaklase akong maiingay.May maingay na bakla, babae, lalake at bisaya. Ang pinaka ayoko eh yung maingay na bakla, hindi kasi makontrol bibig nya. Isang beses hindi nakapag pigil propesor namin sinabihan sya na tumahimik. Sumagot sya ng isang awitin. "I found a very special child in you...." remix pa nga, sabay "malakimapulanamamasa". Natawa ako ng bahagya sa hindi mapaliwanag na rason.
May kaklase akong matalino. Yung tipong perfect yung quizes at dalawa ang mali sa prelim exam. wow! Meron ding feeling matalino. May isa akong kaklase sa OPT1 magkatabi kami kaya rinig na rinig ng dalawa kong tenga ang bawat hinga at daldal nya kahit gaano pa kahina. Ganyan kaliit ang computer lab namin. Sa tuwing may activity kami (speed typing) eh lumalakas ang boses nya... Nagigimbal ako. Kadaitytype nyang salita ay sasabihin pa nya at dinidiin nya kung anong number na sya. "Number seeeeeveeeen" maya - maya na "okay tapos na ako" tatayo, lalapit si ma'am at ichecheck . Ang buong klase ay nasakanya ang mata dahil ang bilis nya. At sasabihin ni ma'am "Ay male".
Madami ding mababait pero mas madaming hindi kaayaaya ang ugali. Andami kong sinabi, hindi imposibleng madami din silang masabi saakin. Ok lang ang mahalaga may nasabi na ako bago pa sila may masabi saakin at ano naman kung may masabi sila saakin wala naman akong sinabing hindi ko dapat sabihin.
Wala na ako sa mood pumindot sa keyboard.