Sunday, August 17, 2008

Blueprint.


Magandang gabi, nasa mood akong pumindot sa keyboard.

Tatlong buwan na din akong nag aaral sa eskwelahang iyon, pero pakiramdam ko wala pa 'ring progreso sa mga kaalamang alam ko na at mga kaalamang kailangan ko pang malaman. Siguro dahil unang sem pa lang naman(parang gusto ko na ngang lumipat ng ekswelahan sa pangalawang sem). Nakakapanibago ang kapaligiran at mga tao. Simula sa propesor at estudyante ibang iba sa kinasanayan ko. Hindi na nakakapagtaka at tahimik ako sa class room, nag mamatyag sa kilos ng lahat kaya madami akong obserbasyon.
May lima akong guro dahil syempre lima ang subjects ko. May guro akong "techie" dalawa ang cellphone, dalawa ang dalang charger at pagpapasok sya sa class room namin ganto ang linya nya.

"ok ito ang timer natin." (sabay salpak ng dalawang charger sa dadalawa naming saksakan)
Sabagay, tumitingin naman sya sa dalawang cellphone nya. Tinitignan daw nya kung time na. Nice nagpapaliwanag. May mga paliwanag din syang hindi ko mapaliwanag. Ito..

"Serve as blueprint of socialy accepted behavior so people can discern the best ways of acting and thingking."

Paliwanag nya:

*seryoso mukha*
"diba pag nag papaprint kayo kulay black, Ito yung pag nag paprint kayo kulay blue."

no comment.

Meron akong isang daan at animnapung kaklase, ang dami? kada subject kasi iba iba section ko. Ang dami kong nakakasalamuha araw araw, iba iba ang ugali iba iba ang itsura. May kaklase akong maiingay.May maingay na bakla, babae, lalake at bisaya. Ang pinaka ayoko eh yung maingay na bakla, hindi kasi makontrol bibig nya. Isang beses hindi nakapag pigil propesor namin sinabihan sya na tumahimik. Sumagot sya ng isang awitin. "I found a very special child in you...." remix pa nga, sabay "malakimapulanamamasa". Natawa ako ng bahagya sa hindi mapaliwanag na rason.
May kaklase akong matalino. Yung tipong perfect yung quizes at dalawa ang mali sa prelim exam. wow! Meron ding feeling matalino. May isa akong kaklase sa OPT1 magkatabi kami kaya rinig na rinig ng dalawa kong tenga ang bawat hinga at daldal nya kahit gaano pa kahina. Ganyan kaliit ang computer lab namin. Sa tuwing may activity kami (speed typing) eh lumalakas ang boses nya... Nagigimbal ako. Kadaitytype nyang salita ay sasabihin pa nya at dinidiin nya kung anong number na sya. "Number seeeeeveeeen" maya - maya na "okay tapos na ako" tatayo, lalapit si ma'am at ichecheck . Ang buong klase ay nasakanya ang mata dahil ang bilis nya. At sasabihin ni ma'am "Ay male".

Madami ding mababait pero mas madaming hindi kaayaaya ang ugali. Andami kong sinabi, hindi imposibleng madami din silang masabi saakin. Ok lang ang mahalaga may nasabi na ako bago pa sila may masabi saakin at ano naman kung may masabi sila saakin wala naman akong sinabing hindi ko dapat sabihin.

Wala na ako sa mood pumindot sa keyboard.


Sunday, August 3, 2008

Tumitindi ang Pangangailangan

KELANGAN KO NG ISANG MATINDING REHABILITASYON!
SA BUONG SISTEMA.
PA - HEAL.

Wednesday, July 23, 2008

Good Thing, Humihinga pa ako.

*inhale
*exhale



Ito nanaman, ganto nanaman nararamdaman ng buo kong katawan. Nanlalamig, naguguluhan, nababaliw nanaman. May mga sitwasyon kasi na naniipit ako sa gitna, 'wag mo nang alamin kung saan. Basta! Wirdo. Ayoko na ng bisyo ko, sawang sawa na ako pero bakit kaya pilit at paulit - ulit kong binabalikan kahit ang buong Muscular System, Skeletal System, Nervous System at kung anu- ano pang sistema ko ay kasama ko ng umaayaw. Siguro dahil mahina o bobo ako sa pag kontrol ng mga bagay bagay lalo na pag sabit ang sarili ko.

Kelangan ko ng solusyon, Madaming solusyon . Hindi naman ako makagawa ng aksyon.

*inhale

*exhale


Bahala na. Ang mahalaga humihinga pa ako.

Monday, June 23, 2008

OP1. (office and productivity tools)

Goodmorning!


Ang init. Kakauwi ko lang galing school nag lakad ako pauwi.amazing! Nakatipid ako ng 40php. Alas syete ng umaga hangang alas dyis ang klase ko pero parang ang bilis matapos siguro dahil aircon tyaka may kausap ako. May nakilala akong kaklase kanina. Adonis ang pangalan, ang reaksyon ko nung sinabi nya na yun ang pangalan nya eh "wow". Hulaan mo kung bakit.

Nagkwentuhan kami tungkol sa dating eskwelahan, schedule at madami pang iba. Nabangit nya na first time nyang magkaron ng computer subject. Medyo nahalata ko nga dahil nag tanong sya ng konti. Mga 30 + questions lang. Mabait naman sya at maayos kausap. Naks unang kakilala ko sa school na yon.

Sa loob ng dalawang oras ( 3 hrs dapat. late ng 30 mins si ma'am at 30 mins kami maaga pinalabas) Nagpakilala sya sa amin at nag pakilala kami sa kanya. May sinulat syang tatlong numero sa white board.

1. Name
Highschool

2. Computer, friend or foe?

3. Why COE? ( hindi naman ako coe eh)

Yan ang mga tanong. Isa isa syang nagtawag ng sasagot sa mga tanong.
May mga sagot na nakakaantok may mga sagot na kwela may nagpupumilt mag ingles may magaling mag ingles. Nakakaaliw naman kahit papano. Habang nauubos ang mga kaklase ko hindi pa din ako natatawag hangang sa palitan yung dalawang huling tanong.
Naging...

1. Name
Highschool

2. Online games or LAN games.

3. Why STI?

Tumawag nanaman sya. Nakakaaliw yung mga sagot nila sa why sti.

"eh ma'am late na kasi ako naka pag enrol kaya dito na lang"
"no chioce"

Lumipas ang ilang minuto tinawag ang pangalan ko. Bumilis ang tibok ng puso ko, tama kinakabahan ako. Normal naman ang mga sagot ko, sa dulo medyo sablay.
Why STI?

ako: hehehe testing lang po

Kahit ilang beses na ako sumagot sa ganyang mga tanong hindi pa rin maiwasan kabahan. Kahit ayoko gusto ng katawan ko. Papasok na ako sa susunod na subject.


Tuesday, June 10, 2008

Pasukan na, excited ka ba?

Papasok na uli ako pagkatapos ng dalawang taong pagiging tambay! Sa wakas! Pagbabago! Sana maging maayos na lahat at hindi na ko tamadin. (teka, caps natin at ibold yung sana) SANA!

Ayos, pangatlong palit ko na 'to ng course.

Una kong kinuha sa college eh Computer science. Madali dali naman yung mga major yung iba ko kasing kaklase takot humawak ng computer. Kaya syempre partida ko na yun. Maayos naman ang marka ko sa ilang subject pero yung mga subject kong pang umaga na mga tipong pang alas otso, lagpak! Magtataka kayo kasi yung subject kong pang alas syete ay pasado at mataas pa ang grado. HTML subject kasi yun, kaya gumigising akong maaga para talagang mapasukan ko kasi interesado talaga ko sa mga subject na may kinalaman sa computer, pero pag katapos nung subject na yun mabilis akong na-exit sa room dahil yung subject ng pang alas otso ang sunod. shet math yun eh! Magcucut ako ng klase sa ayaw kong subject at papasok sa gusto kong pasukan. Tingin mo papasa ba ako? yes naman! Syempre hindi.


Nagalit ang nagpapaaral sa'kin kesyo tamad daw ako kesyo mag shift na lang daw ako. Ayos, nakinig ako at nag shift sa Computer Engeering! Sinabi ko sa sarili ko na aayusin ko na pag aaral ko. SINABI! pero di ko nagawa, lagpak nanaman ang grado ko. Dahilan: Nakakawalang gana mga kaklase ko puro lalake na walang ginawa kundi magpayabangan. Dalawang babae lang kami sa klase, tapos yung kaisa isang kasama ko e parang puppet na ako ang nagpapagalaw. Parang tuod na ang sarap sibakin. Hindi naging masaya yung mga oras na yun dahil puno ng panghihinayang. Namalayan ko na lang singko na lahat ng grado ko.


Ngayun naman IT ang kurso ko, Sana maging maswerte ako sa matatapat sa'kin na proffesor at sa mga kaklase.
KINAKABAHAN AKO!

Sunday, June 8, 2008

Sa wakas!

Sa wakas may BLOG na ko! Naks, Congrats Cha! Saka na ko mag popost kakagawa ko lang mag popost agad ako. Sobra naman yun! hmp!



Good night!